PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong sa kaso ni Kian: Murder pero may twist

MANILA, Philippines — Lalong naging kontrobersyal ang kaso ng pagkamatay ng binatilyong si Kian delos Santos matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may “twist” ito.

Sinabi ni Duterte na malalaman ang buong katotohanan kapag nagsimula na ang pagdinig sa kaso kung saan ang mga pulis-Caloocan ang itinuturong pumatay sa umano’y nanlaban na biktima.

“Kagaya ‘yung kay Kian na estudyante. Well, you will know the truth, at least the version of the police, ‘pag mag-umpisa na ang trial,” pahayag ni Duterte.

“But it will not excuse or justify killing a person whose hands are raised, ready to surrender, or kneeling down. Because that is really murder. Pero may twist diyan,” dagdag niya.

Sinasabi ng mga pulis na drug courier ang binatilyo at nang kanilang arestuhin ay unang nagpaputok ng baril kaya naman wala silang nagawa kundi gumanti.

Iba naman ang sinasabi ng kuha ng closed-circuit television camera kung saan nakitang kinakaladkad ng mga pulis si delos Santos.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Marami ang nagalit sa pagkamatay ni delos Santos na nauwi sa ilang kilos protesta na nananawagan sa pagtigil ng karahasan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: