PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dahil hindi sumabog ang kidneys, Atio hindi sa hazing namatay – Solano

MANILA, Philippines — Todo depensa ang primary suspek sa pagkasawi ni hazing victim Horacio "Atio" Castillo III kung saan iginiit niyang ang sakit sa puso ng neophyte ang naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sinabi ni John Paul Solano na hindi sapat ang tinamong hirap ni Castillo sa hazing upang mamatay.

"That (hazing) is not enough, I think, because based on the report, it is not enough since the kidneys did not explode, the kidneys are normal,” paliwanag ni Solano sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News Channel.

“It’s the HCM (Hypertrophic Cardiomyopathy) because it’s prevalent on athlete and young person," dagdag niya.

Sa salaysay ng bumaligtad na miyembro ng Aegis Juris Fraternity na si Mark Ventura, nalamang isang oras ginulpi ang mga braso ni Castillo bago pinaghahataw ng paddle.

Ipinaliwanag ni Solano na pinagbabasehan lamang nila ang medico legal report ng Philippine National Police.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hindi naman niya masagot ang tanong kung sa tingin niya ay may kinalaman ang hazing sa pagkamatay ng biktima.

"The damages...is not that...nung time po na kasi na hindi mo rin masasabi na the damages are ganon  ka-enough to kill a person. So we would base everything sa medico legal result," patuloy ni Solano.

BASAHIN:  Solano ginagago na ang buong Pilipinas – Zubiri

Si Solano ang rumesponde nang tawagan siya ng kaniyang mga kasamahan sa fraternity upang tingnan ang nawalan ng malay na si Castillo.

Siya na rin ang sumama sa biktima sa Chinese General Hospital kung saan nagsinungaling pa siya nang tanunging kung saan nakita ang biktima.

"I am implying that I did not kill him, since that time they are pinning everything [on me]. That defense will be for me only," sabi ni Solano.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: