PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-asawang Aleman pinigilang pangalanan ang anak ng ‘Lucifer’

FILE PHOTO

MANILA, Philippines – Muntik nang maging Lucifer ang pangalan ng isang sanggol sa Germany kundi namagitan ang pamahalaan.

Sa ulat ng Associated Press, nangamba ang registrat ng central city ng Kassel sa magiging buhay ng sanggol na pangangalanang Lucifer.

Hindi naman pinangalanan ang mga magulang na kalaunan ay pumayag naman na huwag nang gamitin ang pangalang Lucifer sa kanilang anak.

Nauwi na lamang sa Lucian ang pangalan ng sanggol matapos ang closed-door hearing sa korte.

May kapangyarihan ang mga awtoridad ng Germany na mamagitan sa pangalan ng mga sanggol.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: