PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sara sa Kamara, Paolo magreretiro sa 2019

MANILA, Philippines — Inihayag ng mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kani-kanilang plano para sa 2019.

Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tatakbo siya sa pagkakongresista sa mid-term elections.

Babalik naman sa farming ang ngayo’y bise alkalde ng lungsod na si Paolo Duterte na magreretiro na rin sa politika.

Aniya naapektuhan ang kaniyang pamilya ng mga paratang ni Sen. Antonio Trillanes kaugnay ng P6.4 billion shabu shipment mula China.

May tsansa namang tumakbo ang asawa ng alkalde na si Manases Carpio na isang abogado.

"When Mayor Sara announced that she will file for a congressional seat in the 1st District, everybody's asking me where I am going. It will still be a Carpio-Duterte tandem in the mayor and vice mayor, we are still talking to the other Duterte, but definitely, it will not be me," pahayag ni Paolo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Una nang sinabi ni Sara ang plano niya sa 2019 nitong Lunes sa paglunsad ng Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines.

“I do not have plans of running [for] a national post in the 2019 elections. But I have plans of running in the first congressional district of Davao City,” wika ni Sara.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: