PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Smartzone zombie law’: Paggamit ng cellphone habang tumatawid ipinagbawal sa Hawaii

MANILA, Philippines - Pagmumultahin ang sinumang mahuhuling gumagamit ng cellphone habang tumatawid ng kalsada sa Honolulu, Hawaii.

Sa ulat ng TIME, sa bisa ng “smartzone zombie” law ay pagmumultahin ng $35 o halos P2,000 ang mga mahuhuli na gumagamit ng cellphone habang tumatawid.

Ito ay matapos umabot sa 6,000 katao ang bilang ng mga pedestrian na namatay nitong nakaraang taon sa Amerika.

Ang Honolulu ang unang lungsod sa Amerika na nakapagpasa ng batas na naglalayon na resolbahin ang problema ng “distracted walking” upang matiyak ang kaligtasan ng mga pedestrian.

Samantala, kamakailan lamang dito sa Pilipinas ay pinaigting ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act na nagbabawal sa mga motorista na gumamit ng gadgets, tulad ng cellphone, habang nagmamaneho.

Ang mga motoristang mahuhuli ay pagmumultahin ng P5,000 para sa first offense; P10,000 pasa sa second offense, P15,000 at pag-suspinde ng lisensya ng driver sa loob ng tatlong buwan para sa third offense at P20,000 at pagbawi ng lisensya para sa pang-apat na offense.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: