PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Jack Ma dismayado sa internet speed ng Pinas

MANILA, Philippines – Sa harap ng mga matataas na opisyal ng dalawang telecommunication companies, inihayag ni Chinese billionaire Jack Ma ang pagkadismaya sa internet speed ng Pilipinas.

Tulad ng hinaing ng mga Pilipino, nabagalan din si Ma sa internet ng bansa na kaagad niyang sinubukan pagkadating kagabi.

"I arrived late last night and I tried to test the speed of Philippine [internet], it's not good," wika ni Ma sa dinaluhang forum sa De La Salle University ngayong Miyerkules.

Nitong Mayo ay sinabi ng cloud service provider at content delivery network Akamai Intelligent Platform na ang Pilipinas ang may pinakamabagal na internet sa buong mundo.

Binalaan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PLDT at Globe na maaaring magpapasok siya ng kompetisyon mula China kapag hindi bumilis ang internet sa bansa.

Sinabi ni Ma na walang mararating ang pagsisisihan bagkus ay dapat magtulungan ang gobyerno at ng mga pribadong kompanya.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

"But this is the potential, this is the opportunity and I encourage your government, entrepreneurs, everybody that we work together to improve the speed and coverage of the internet," sabi ng pinuno ng Alibaba Group.

Kilala si Ma dahil sa kaniyang rags to riches na kwento ng buhay.

Dahil sa natamong tagumpay sa buhay ginawaran si Ma ng Doctor of Science in Technopreneurship ng La Salle.

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: