PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Andanar tinawag na ‘palaiyot’ ang EU critics ni Digong

MANILA, Philippines – Binatikos ni PCOO Secretary Martin Andanar ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na mula sa European Union na tinawag niyang “palaiyot.”

Sa isang “meet and greet” ng mga Filipino community sa United Kingdom, sinabi ni Andanar na wala namang napatunayan ang mga kritiko ng pangulo.

“’Yung mga maingay na palaiyot, alam mo ang problema sa kanila hanggang ingay lang wala namang napatunayan. Kung tatanungin mo ’yung kanilang mga prime minister, mga presidente, ’yung talagang namamahala sa kanilang mga bansa pati sila sumusuporta kay President Duterte,” pahayag ng kalihim.

“’Yung mga nasa baba na palaiyot sila lang ang maingay kasi kulang pa sila sa iyot,” dagdag ni Andanar na umani naman ng hiyawan at palakpakan mula sa kaniyang mga manonood.

Kasamang dumalo ni Andanar si PCOO Assistant Secretary Kris Ablan.

Patuloy na binabatikos si Duterte dahil sa madugong kampanya laban sa ilegal na droga kung saan libu-libo na ang namatay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: