PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lim acting chief ng Comelec

In this May 19, 2016 photo, Comelec Commissioner Christian Robert Lim (center) joins other commissioners in the proclamation of winning senators. Philstar.com/Efigenio Toledo IV, file

MANILA, Philippines – Uupong acting Commission on Elections chief si dating commissioner Christian Robert Lim kasunod ng pagbaba sa pwesto ni Andres Bautista kahapon.

Si Lim ang itinalaga ng mismong mga kasamahan niya sa opisina, kung saan naging unanimous ang naging botohan ng anim na iba pang commissioners.

Pansamantala lamang ang pwesto ni Lim hangga’t wala pang itinatalagang kapalit si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bautista.

Hanggang katapusan pa sana ng taon planong mamalagi sa pwesto ni Bautista ngunit tinanggap na kahapon ng opisina ng pangulo ang kaniyang pagbibitiw.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: