PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Dahil wala nang immunity: Bautisa kakasuhan ng misis

MANILA, Philippines — Tulad ng kanilang ibinanta, sasampahan na ng kaso ng kampo ni Patricia Bautista ang kakabitiw lamang sa pwestong si dating Commission on Elections (Comelec) Juan Andres “Andy” Bautista.

Sinabi ng abogado ni Patricia na si Lorna Kapunan ngayong martes na kakasuhan nila ng plunder si Andy na ngayon ay private citizen na lamang kasunod ng pagtanggap ng Palasyo ng kaniyang pagbibitiw kahapon.

“We are now on our way to making him accountable to the Filipino people,” pahayag ni Kapunan.

BASAHIN: Kaso sasalubong sa pagbibitiw ni Bautista

“We're bringing out a plunder (case) for the complicity of Divina Law and Smartmatic and the family members who made possible the stealing from the Filipino people at the very least P1.2 billion,” dagdag niya.

Isiniwalat ng misis ng dating Comelec chair na may tago at hindi maipaliwanag na yaman ang kaniyang asawa na aabot sa P1 bilyon. Aniya hindi ito nakadeklara sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Networth.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Tumanggap din umano ang noo’y poll chief ng commission kay Nilo Divina, may ari ng DivinaLaw, sa pagbibigay ng kliyente tulad ng Smartmatic na namahala sa mga kagamitan ng automated elections.

Inihayag ni Andy ang kaniyang pagbibitiw nitong Oktubre 11 at tatapusin na lamang niya ang taon bago tuluyang bumaba sa pwesto.

Naiba naman ito nang tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang pagbibitiw kahapon kung saan iniutos ang agaran niyang paglisan sa opisina.

Dahil sa pagbibitiw ay nabalewala na ang impeachment complaint laban kay Andy.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: