^

Bansa

Komedyante inaresto sa pangmomolestya

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang ‘beking’ ko-medyante at aktor sa telebisyon ang nadakip  matapos umano nitong hipuan, yakapin at pag­hahalikan ang isang bell attendant, kamakalawa sa isang hotel-casino sa Parañaque City.

Nasa custody nga-yon ng pulisya at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness ang suspek na si Ronnie Arana, alyas  “Atak”, 45.

Kinilala naman ang nagreklamong si  Mark Christian Macavinta, 21, binata,  bell attendant sa Okada Manila, na mata-tagpuan sa Brgy. Tambo, Parañaque City.

Sa report na natang­gap ng director ng Sou­thern Police District (SPD) na si Police Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., naganap ang insiden­te alas-2:40 ng hapon sa Entertainment City, Room 725 ng nasabing hotel-casino.

Sa naging reklamo ni Macavinta sa Parañaque City Police, inasistihan  aniya niya ang suspek sa complimentary room nito.

Pagpasok niya ay biglang isinara ni Arana ang pintuan ng  inuukupahan nitong  kuwarto at dito na siya umano hinipuan sa maselang bahagi ng katawan, niyakap at pinaghahalikan.

Nagpupumiglas ang biktima at nagawa nitong makawala mula kay Arana at kaagad ini-report sa kanilang security personnel ang insidente dahilan upang arestuhin ng mga guwardya si Arana at tinurn-over ito sa Parañaque City Police.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with