^

Bansa

DTI nagbigay ayuda sa Marawi evacuees

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang muling makapag-umpisa ng bagong buhay at makabangong muli ang Marawi City bunsod ng halos limang  buwan na bakbakan sa lungsod sa pagitan ng tropa ng militar at Maute-Isis terro-rist group, namahagi ng ayuda ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng nasa 30 sari-sari store starter’s kit.

Ayon sa punong tanggapan ng DTI, ang naturang programa ay pinangunahan ng Business and Livelihood Sub Committee ng ‘Task Force Bangon Marawi” na nakabase sa DTI Lanao Del Norte.

Ang mga nakatanggap ng naturang benepisyo ay ang mga residenteng nasa apat na evacuation centers sa Iligan City at limang evacuation centers sa Lanao Del Norte.

Layunin ng halagang P5,000 na sari-sari store starter’s kit na magbigay tulong sa mga ito para magkaroon ng pagkakakitaan habang nanatili sa mga evacuation centers.

Dahil dito, umaasa ang consumers protection division ng DTI Lanao del Norte, na itutuloy ng mga nakatanggap ng benepisyo ang mga ipinagkaloob nilang maliit na negosyo para hindi na sila umaasa at hindi nakadepende sa ayuda ng pamahalaan o sinumang grupo.

Mariing hinikayat ng DTI ang mamamayan na pairalin ang pagiging matiyaga at determinado sa buhay gamit ang sari-sari store starter’s kit.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with