^

Bansa

Mga mamamahayag sa MPDPC, handa sa sakuna

Pilipino Star Ngayon
Mga mamamahayag sa MPDPC, handa sa sakuna

Aktuwal na itinuro ng grupo ni SARUF medical lead intructor Al-Rashid Abdula ang tamang Cardio Pulmonary Resuscitation (CRP) sa mga mamamahayag sa MPDPC.
 

MANILA, Philippines — Handa na sa sakuna o anumang uri ng kalami­dad ang mga mamamahayag sa Manila Police District Press Corps (MPDPC) matapos sumailalim sa “disaster preparedness workshop and seminar kahapon.

Ang pagsasanay ay pinasimulan dakong alas-10:00 ng umaga na isinagawa sa loob ng MPDPC office sa UN Avenue, Ermita, Maynila.

Ayon kay Mer Layson, presidente ng MPDPC, hindi lamang ang paghahatid ng balita at impormasyon sa publiko ang dapat alam ng isang mamamahayag, bagkus ay kung papaano ililigtas ang pamilya at sarili kapag may calamity.

Ang grupo ng Search and Rescue Unit Foundation (SARUF) na pinamumunuan ni Jerry Carual ang siyang nanguna sa pagtuturo ng personal at home survival kapag nagkaroon ng malakas na lindol, sunog, bagyo, pagbaha at iba pang kalamidad.

Itinuro rin kung papaano dalhin sa ligtas na lugar ang pamilya, tamang pag-asembol ng disaster kit, Basic life support, first aid, vehicular extrication, patient packaging, spine board management, ban-daging splinting, lift at carry support.

Sinabi ni Carual, napapanahon at mahalaga ang pagsasanay dahil maraming kalamidad ang dumarating sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with