^

Bansa

Umento sa benepisyo ng Ombudsman, aprub

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa ikalawang pagbasa sa Kamara

MANILA, Philippines — Aprubado na sa ika­lawang pagbasa sa Kamara ang panukalang magtataas ng retirement benefits ng mga opisyal at kawani ng Office of the Ombudsman.

Sa ilalim ng House Bill 6578, ang retirement at iba pang benepisyo ng Ombudsman ay ipapantay sa tinatanggap ng presiding Justice ng Court of Appeals (CA).

Habang ang sa mga Deputies nito ay tatanggap ng retirement at iba pang benepisyong katulad ng sa Associate Justice.

Ang iba namang opisyal at kawani ng Office of the Ombdusman na ang posisyon ay sakop ng salary grade 26 hanggang 29 ay mabibigyan ng retirement at iba pang benepisyo na kapantay ng sa mga hukom sa lower courts.

Itinatakda rin ng p­anukala na tataas ang kanilang pension bene­fits kapag tumaas ang sahod at allowance para sa posisyon kung saan sila inabot ng retirement.

Maliban dito, mabibigyan na rin ang mga taga-Ombudsman ng hazard allowance na hindi lalagpas sa 50% ng kanilang sinasahod.

Subalit limitado lamang ang hazard allo­wance para sa mga taga-Ombudsman na may security risk dahil sa nakatalagang trabaho sa mga ito.

Ang nasabing panukala ay isinulong nina Zamboanga Sibugay Rep. Ann Hofer at Cibac Rep. Sherwin Tugna dahil masyado umanong mabilis na nalalagasan tauhan ng Office of the Ombudsman resulta ng mababang benepisyo. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with