^

Bansa

PNP naalarma sa online sexual abuses sa kabataang Pinoy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa palaging natatalakay ng mga foreign police organizations ang problema sa sex tourism sa bansa na kadalasan ay kabataang Pilipino ang nabibiktima, ipinag-utos na kahapon ni Phi-lippine National Police (PNP) sa Womens and Children’s Protection Desk (WCPD) na tutukan ang pagpaparusa sa mga dayuhan at mga kasabwat nito sa bansa kaugnay ng pagkaka-sangkot ng mga ito sa sexual abuse activities.

Ang direktiba ay ipinalabas ni dela Rosa matapos parangalan ang mga natatanging miyembro ng  WCPD.

 Kasabay nito, aminado naman ang PNP Chief na dahilan sa sobrang pagkaabala ng ka­pulisan sa drug war ay hindi gaanong natutukan ang problema sa sexual abuses ng mga bata sa internet at maging sa sex tourism kung saan biktima ang mga ito ng mga pedophile na dumarayo sa bansa .

 Inamin ni dela Rosa na habang abala sila sa war on drugs ay medyo napabayaan ang problema sa international sex trafficking.

Sa isang press conference matapos ang flag raising ceremony, sinabi ni dela Rosa na pipilitin niyang iangat sa national support unit status ang WCPD at gawin itong isang grupo.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon na ng Regional offices ang WCPD group upang mas matutukan ang problema sa sex tourism at sex trafficking sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with