^

Bansa

Pabahay sa mga pulis, sundalo na namatay sa Marawi

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Pamaskong Handog ng Duterte administration

MANILA, Philippines — Matutupad na ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagkakalooban ng libreng pabahay ang mga kaanak ng mga sundalo at pulis na namatay sa bakbakan sa Marawi City at sa iba pang lugar ng digmaan sa bansa.

Ito ay makaraang ianunsyo ng National Housing Authority (NHA) na bukas na ang kanilang pintuan para tumanggap ng aplikasyon ng mga kaanak ng mga sundalo at pulis na namatay o mga mga killed in action (KIA) sa mga giyera sa bansa.

Sa pulong balitaan sa NHA, sinabi ni Architect Susana Nonato, pinuno ng PNP-AFP Housing project ng ahensiya, may 73 KIA na kaanak ng sundalo at 30 KIA na kaanak ng pulis ang benepisyaryo na ngayon ng libreng pabahay ng Duterte Administration sa ilalim ng Comprehensive Social Benefit Program ng pamahalaan.

“Priority natin ngayon ang mga AFP/PNP KIA, bawat pulis na namatay sa giyera, bawat sundalo na namatay sa giyera ay pinagkakalooban namin ng P450,00 worth ng housing unit. Libre po ito, gaya po ng naipangako ni Pangulong Duterte, kung mayroon naman pong lupain ang immediate family ng KIA AFP at PNP personnel at gusto nilang doon magpatayo ng bahay ay bibigyan po sila ng NHA ng P450,000 na halaga ng bahay at kung ire-repair po ang bahay ay P100,000 po ang ibibigay ng NHA,” ani Nonato.

Ang pondo umano na laan dito ng pamahalaan ay kasama sa P6 bilyong budget housing project ng gobyerno.

Ang mga lugar na pagtatayuan ng libreng pabahay sa mga pulis at sundalo na may 80 square meters floor area ay sa Davao, Iligan, La Union, Zamboanga at iba pa.

Samantala, inanunsiyo din ni Nonato na umaabot naman sa 60,265 na mga sundalo at pulis kabilang na ang mga bumbero, jail personnel at Bucor personnel ang nagpasakop na sa programang pabahay ng pamahalaan sa Bulacan at Davao. Aniya, may monthly amortization dito na P400 kada buwan at target ng NHA na maipasa ito sa 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with