Walang pasok sa MM, Pampanga at Bulacan sa Nob. 13-15
MANILA, Philippines — Idineklara kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na “special non-working holiday” ang Nov 13-15 sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan kaugnay na rin sa gaganaping 31st ASEAN Summit and Related Summits.
Batay sa nilagdaang Presidential Proclamation 332 ni Pangulong Duterte kahapon, walang pasok sa lahat ng pribado at pampublikong tanggapan gayundin sa mga pribado at pampublikong paaralan sa Metro Manila at sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan.
Inirekomenda ng ASEAN 2017 National Organizing Committee ang pagdedeklara ng special non-working holidays sa Nov 13-15 dahil direktang maaapektuhan ito ng gaganaping 31st ASEAN Summit.
Magugunita na naunang nagdeklara ang Metro Manila mayors na walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa National Capital Region sa darating na Nobyembre 16-17.
- Latest