^

Bansa

Cross exam sa mga abogado ni Sereno, hirit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng kampo ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ma-cross exa­mine ng mga abogado niya ang mga saksing ihaharap sa impeachment hearing.

Ito ay matapos na maghain ng mosyon sa House Committee on Justice dahil hindi naaksyunan ang dalawang nauna nilang sulat na naka address lamang sa chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Ayon kay Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno na garantisado  ng saligang batas ang inilalabang karapatang dito ng Punong Mahistrado ang katawanin ng abogado sa ligal na proseso.

Paliwanag pa ni Deinla, kung kahandaan at kaka­yanan ang pag-uusapan ay hindi matatawaran si Sereno subalit hidi nito kailangang gawin ng direkta at personal ang pagkompronta sa mga saksi dahil  may mga abogado naman siya.

Bukod dito, hindi rin umano ito kailangang gawin ng Punong Mahistrado para makapagpatuloy siya sa pagtupad ng tungkulin sa Korte Suprema. Sakaling ibasura umano ng Justice Committee ang kanilang mosyon, ayon sa abogado na may mga opsyon silang pinag-iisipan

Subalit pag-iingatan umano nila ang pasya kung iaakyat ito sa Korte Suprema dahil kailangang bigyan ng kunsiderasyon ang usapin kung maaaring magdulot ito ng constitutional crisis sa pagitan ng dalawang sangay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with