Phl pinuri ng US sa paglipol sa Maute
MANILA, Philippines — Pinapurihan kahapon ng pamahalaan ng Estados Unidos ang matagumpay na operasyon ng Pilipinas kontra terorismo matapos na malipol ang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at mga supporters nitong Maute sa pagtatapos ng combat operations sa lungsod ng Marawi kung saan umabot ang krisis sa limang buwan kahapon.
Ang papuri ay ipinahatid kahapon ni US Defense Secretary James Mattis sa pamahalaan.
“It was a very tough fight as you know in southern Mindanao (the local region). And I think the Philippine military sends a very strong message to the terrorists’, anang opisyal.
Kaugnay ito sa ginaganap na ika-11th ASEAN Defense Ministerial Meeting sa Clark, Pampanga , nagkaisa naman ang mga opisyal sa paglaban sa posibleng panibagong banta ng ISIS dahilan sa posibilidad na magbalik sa Asya at bumuo muli ng grupo ang iba pa nitong mga miyembro.
“Reaffirming our commitment to work together on countering all forms of terrorism and violent extremism while bearing in mind other ASEAN related mechanisms that tackle the same matter,” anang joint declaration na nilagdaan ng mga Defense Ministers ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Kabilang sa dumalo sa pulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana na kinatawan ng Pilipinas; at mga kinatawan ng Indonesia, Lao, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at Brunei Darussalam.
- Latest