^

Bansa

22 iskul sa Marawi wasak sa bomba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wasak sa bomba o totally damaged ang 22 pampublikong paaralan sa Marawi City at hindi na maaari pang pakinabangan bunsod na rin ng naganap na giyera sa lungsod nitong nakalipas na mahigit apat na buwan.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Alain del Pascua, ang mga nawasak na paaralan ay pawang matatagpuan sa main battle area sa Marawi.

Ang mga ito ay tinamaan aniya ng mga bomba sa kasagsagan ng giyera o ‘di kaya naman ay sinunog ng mga terorista.

“Kung hindi nabomba, sinadya namang sunugin ng mga terorista ang mga paaralan na nasa ground zero,” ani Pascua.

Sinabi pa ni del Pascua na may kabuuang 69 na paaralan sa Marawi City na ang iba ay partially damage lang.

Inaalam na ng DepEd ang lawak ng pinsala sa mga pampublikong paaralan sa Marawi City at tiniyak na mu­ling itatayo ang mga nasirang eskwelahan upang muling magamit mga mag-aaral.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with