^

Bansa

Temporary shelters ng evacuees handa na sa Disyembre - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Temporary shelters ng evacuees handa na sa Disyembre - Palasyo

Sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na ang pagtayo ng mga imprastraktura para sa mga internally displaced persons ay magsisimula rin daw kaagad sa lahat ng mga lugar sa Marawi City sa oras na maideklara itong cleared. File

MANILA, Philippines — Handa na raw sa Dis­yembre ang mga temporary shelters para sa mga residente ng Marawi City.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, kasalukuyang nasa clearing process pa rin daw ang mga otoridad sa iba’t ibang lugar sa loob ng war zone para matiyak na walang naiwang mga bomba sa mga ito bago pa man magsibalikan sa kani-kanilang mga bahay ang residente ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Andanar na ang pagtayo ng mga imprastraktura para sa mga internally displaced persons ay magsisimula rin daw kaagad sa lahat ng mga lugar sa Marawi City sa oras na maideklara itong cleared.

Samantala, maaring asahan daw ng mga sun­dalong lumaban sa Marawi City kontra Maute Group ang pangakong bakasyon sa Hong Kong ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Andanar, matutuloy din ang natu­rang bakasyon ng Marawi soldiers.

Bagama’t wala pa aniyang petsang sinabi ang punong ehekutibo, tiyak naman na matutuloy ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with