^

Bansa

TF vs kolorum lumarga na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nag-umpisa na ng kanilang operasyon ang bagong buong “Task Force Alamid” ng Inter-Agency Committee on Traffic (IACT) na tututok sa panghuhuli sa mga kolorum na mga pampublikong behikulo lalo ngayong inaasahan ang mga pananamantala sa pagpasok ng Kapaskuhan.

Sinabi ni IACT spokesperson Elmer Argano na pamumunuan ang Task Force ni IACT Commissioner ret. Gen. Manny Gonzales at nasa ilalim rin ng superbisyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Tim Orbos. 

Nitong Oktubre 19, sinabi ni Argano na nasa 10 kolorum na mga sasakyan ang kanilang nasampolan agad sa may MIA Road at Roxas Boulevard. 

Bagama’t aminadong maliit ang bilang ng kanilang nahuli dahil nawarningan na agad ang mga kolorum drivers dahil sa radyo ng kanilang mga sasakyan, sinabi ni Argano na bumubuo na sila ng mga solusyon para malabanan ang “early warning” sa mga pasaway na tsuper kapag may operasyon ang pamahalaan.

Upang tuluyang madala, ang tiket na may pinakamataas na multa umano ang gagamitin ng Task Force sa panghuhuli dahil sa inaabuso lamang ang paniket ng MMDA na may mababang multa.

“Talaga pong multang P200,000 pati yung tatlong buwang impound eh talagang dapat masaktan sila at madala. Tignan natin kung ano ang magiging reaction ng mga nahuhuli natin,” ayon pa sa opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with