^

Bansa

Lahat ng bihag ng Maute nabawi na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lahat ng bihag ng Maute nabawi na

Naniniwala si Col. Romeo Brawner na wala ng hawak na hostages ang mga tero­rista dahil ang huli nilang na-rescue ay 20. AFP/File

MANILA, Philippines — Wala nang hawak na mga bihag ang natitirang teroristang Maute sa main battle area sa Marawi City.

Sinabi ni Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Group Ranao, na ang naiwan na lamang sa isang gusali ay ang mga asawa ng mga terorista na mas piniling makipaglaban kasama ang kanilang mga asawa bagamat binigyan nila ng pagkakataon na sumuko sila.

Naniniwala si Brawner na wala ng hawak na hostages ang mga tero­rista dahil ang huli nilang na-rescue ay 20.

Subalit may posibilidad din umano na ang ibang mga bihag ay umanib na sa mga terorista at sila rin ang nakikipaglaban ngayon.

Nilinaw naman ng opis­yal na ang mga asawa ng mga terorista na sumuko sa mga otoridad ay itatratong non-combatants at sasailalim sa psychosocial debriefing.

Sa pinakahuli nilang bilang noong Sabado ay mayroon na lamang natitirang 30 tero­rista sa Marawi at lima dito ang foreign fighters su­balit hindi pa nila makumpirma kung ilan na ang napapatay sa kahapong bakbakan.

Naniniwala naman si Brawner na kasama sa mga nakikipaglaban ang teroristang si Aman Bacu na posibleng maging susunod na lider ng mga terorista.

Ang pagkamatay umano nina Isnilon Hapilon at Omar Maute ay nag-iwan ng “leadership vaccum” sa grupo.

Samantala, tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mga residente ng Marawi ang siyang makakabalik sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Brawner, na kanilang sisiguraduhin na hindi mahaluan ng mga hindi residente ang siyudad ng Marawi.

Aniya, ang magiging basehan o baseline ng militar ay ang census na ginawa ng pamahalaan.

Pero ayon kay Brawner subject for verification pa ang mga ito ng AFP at PNP.

Sa ngayon hinihintay na lamang ng militar ang mga isusumiteng kondis­yon na itinakda ng AFP sa pamahalaang lokal ng Marawi at Lanao del Sur.

Sa sandaling makumpleto na ang hinihiling nilang kondisyon ay kanila ng papayagan na makabalik ang mga residente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with