Paolo lumabas na ng PAR
MANILA, Philippines — Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Paolo na pumapalo sa 180-220 kilometers per hour ang taglay na hangin na halos isa nang super typhoon.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,000 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito hilaga-hilagang silangan sa bilis na 22 kph.
Pinag-iibayo ng southwesterly wind flow si Paolo kaya maulap ang kalangitan na may kalat kalat na pag-ulan sa buong Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, ARMM, Northern Mindanao, Caraga at lalawigan ng Palawan at Mindoro.
- Latest