^

Bansa

Sample ng body tissue nina Hapilon, Omar Maute naipadala na sa FBI

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naisumite na ng Armed Forces of the Philippines ang sample ng body tissue sa US- Federal Bureau of Investigation (FBI) para maisailalim sa DNA test ang mga napaslang na tero­ristang sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Ayon kay AFP Chief Gen. Eduardo Año na bagaman walang nasabing time frame ang  DNA test na isasagawa ng US-FBI  ay inaasahan nilang maipalalabas ang resulta  ng DNA test sa lalong madaling panahon.

Sa pamamagitan ng resulta ng nasabing DNA test ay mapapatunayan kung ang dalawang top terror leader ang napatay sa assault operation sa Marawi.

Sina Hapilon ay may patong sa ulong $5 M mula sa gobyerno ng Amerika at karagdagang P10 M mula sa pamahalaan habang si Omar ay P5 M ang reward sa ulo.

Nabatid na nagtungo ang FBI operatives sa Marawi at kumuha ng sample ng body tissue nina Hapilon at Omar .

Kaugnay nito, kinumpirma naman ng AFP na nasa pito pang dayuhang terorista kabilang ang mga Malaysian ISIS na sina Amin Bako at Ibno Kayim ang patuloy na tinutugis sa lungsod ng Marawi.

Sinabi naman ni Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner na nasa tatlong gusali na lamang sa battle zone sa lungsod ng Marawi ang pokus ng labanan at hindi na gaanong matindi ang putukan sa lugar.

Inaasahan namang tatagal na lamang ng ilang araw ang bakbakan sa nasabing lungsod.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with