^

Bansa

10 pa Maute hostages nasagip

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
10 pa Maute hostages nasagip

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng AFP Western Mindanao Command, kabilang sa mga nasagip ay limang kababaihan at anim na mga bata. File

MANILA, Philippines — Sampu pang bihag ang nasagip ng tropa ng militar sa patuloy na ope­rasyon upang durugin ang nalalabi pang mga teroristang Maute-ISIS.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng AFP Western Mindanao Command, kabilang sa mga nasagip ay limang kababaihan at anim na mga bata.

Bukod dito, 11 pa ang bineberipika kung tunay na mga bihag o baka kasapi ng Maute terrorists na naharang ng militar habang papatakas sa lugar.

Sinabi naman ni AFP spokesman Major Gen. Resituto Padilla, na hindi pa ganap na napapasok ng militar ang natitirang lugar na pinagtataguan ng mga terorista dahil may lu­malaban pa kaya namatayan pa sila ng isang sundalo.

Ayon kay Padilla, may ilang bihag pang dapat iligtas at mga bangkay na irekober mula sa nasa kalahating ektaryang conflict area na hindi pa naki-clear ng militar.

Samantala, nanawagan kahapon ng pang-unawa ang AFP sa mga residente ng Marawi City dahil hindi pa sila puwedeng makabalik sa kanilang mga tahanan habang hindi nasisiguro na ligtas na ang lungsod mula sa mga booby traps at improvised explosive devices (IEDs).

Ayon kay Padilla, nananatiling banta pa rin ang natitirang Maute-ISIS group na kasalukuyang tinutugis ng militar sa Marawi matapos mapatay sina Malaysian fighter na si Mahmoud Ahmad, Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Hinahanap pa rin ng mga sundalo si Commander Amin Bacon na isang Malaysian fighter.

Bagama’t may aalis nang tropa ng militar sa Marawi City upang magsilbing seguridad naman sa gaganapin ASEAN Summit ay mananatili pa rin ang ibang mga sundalo sa Marawi upang maghabol sa ilang terorista.

“First unit to arrive in Marawi is first to be sent off. There will be other units leaving Marawi, after the 1st Infantry Battalion. Conflict area now limited to only half a hectare within Marawi,” pahayag ni Padilla.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with