PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Martial law sa Mindanao tuloy pa rin - Digong

MANILA, Philippines — Kahit idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City ay mananatili pa rin ang martial law sa buong Mindanao.

Sinabi ni Duterte na hanggat may terorista pa ay mananatili ang martial law na idineklara niya noong Mayo.

“I declared martial law. Everybody is asking when it will stop. It will not stop until the last terrorist is taken out,” pahayag ni Duterte sa 43rd Philippine Business Conference.

Aniya anumang oras ay maaaring rumesbak ang Islamic State-inspired Maute terrorists matapos masawi sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

“Be careful of retaliation. We know and I know it’s coming. When, we really do not know,” dagdag niya.

Ilang grupo na ang nanawagan sa pagtanggal ng martial law ngunit iginiit din ng militar na kailangan pa ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Anila may pwersa pa ang teroristang grupo sa Basilan at Sulu.

“The siege of Marawi is purely ISIS (Islamic State of Iraq and Syria). That’s why I declared martial law and I said we have to finish this or we go kaput,” patuloy ng pangulo.

“Time and again, I told the Filipino people the rebellion, ISIS, is coming in and it is funded by shabu,” dagdag niya.

Umabot sa 847 terorista ang napaslang habang 163 naman ang nalagas sa hanay ng gobyerno.

Samantala, sisimulan na naman ang rehabilitation program ng lungsod na aabutin ng P50 bilyon ang kakailanganing pondo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: