^

Bansa

Dagdag buwis sa mining industry kinatigan

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinatigan ni Department of Environment and Natural Resour­ces (DENR) Sec. Roy Cimatu na taasan ang excise tax ng mining industry dahil sobrang liit daw ang sinisingil dito ng gobyerno sa kasalukuyan.

Sinabi ni Sec. Cimatu sa media briefing sa Malacañang, sobrang liit ang sinisingil na 2 percent excise tax ng gobyerno sa mga mi­ning companies kaya nararapat na taasan ito.

Inamin din ng kalihim na wala pang nasisingil ang gobynero mula sa mga penalties sa mga minahan sa bansa na natuklasang lumabag sa batas.

“DENR is still awai­ting finalization of audit for mining companies recommended closed by former Secretary Gina Lopez,” paliwanag pa ni Cimatu sa Malacañang reporters kahapon.

Samantala, sinabi rin ng DENR chief na tinitignan nila ang alternative method na waste to energy scheme upang maresolba ang problema sa basura sa bansa.

Aniya, ang tanging pinagtatapunan na lamang ng 6,000-8,000 tons ng Metro Manila garbage araw-araw ay ang Rodriguez landfill matapos nang isara ang Payatas at Navotas landfill.

Idinagdag pa ni Cimatu, nakatakdang isara na rin ang Rodriguez landfill sa taong 2020 sa sandaling mapuno na rin ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with