^

Bansa

Paolo magiging super typhoon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ng malawakang pag-ulan, baha at posibleng landslide dahil sa bagyong Paolo.

Ayon sa Joint Typhoon Warning Center, asahang magiging supertyphoon ang nasabing sama ng panahon sa loob ng 24-48 oras.

Kaya kahit hindi magla-landfall ang mata ng bagyo, tiyak na mararamdaman ang hangin at ulang dala nito.

Kabilang sa mga ina­abisuhan ukol sa baha ang Palawan, Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula at Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 945 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kilometer per hour (kph) at may pagbugsong 145 kph.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Habang isang low pressure area naman ang nananatili sa hilagang kanluran ng Puerto Princesa, Palawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with