^

Bansa

Hapilon nag-alok ng P1M para makatakas sa Marawi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Hapilon nag-alok ng P1M para makatakas sa Marawi

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, tinangka ni Isnilon Hapilon na abandonahin ang kaniyang mga tauhan bago ito napatay ng tropa ng militar gayundin ang lider ng Maute terrorist na si Omar Maute. AP/File

MANILA, Philippines — Nag-alok umano ng milyong halaga ang tero­ristang si Isnilon Hapilon bago ito napaslang sa assault operation noong Lunes.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, tinangka ni Hapilon na abandonahin ang kaniyang mga tauhan bago ito napatay ng tropa ng militar gayundin ang lider ng Maute terrorist na si Omar Maute.

Si Hapilon ay may patong sa ulong $5 M mula sa US government at karagdagang P10 M naman mula sa gobyerno habang si Omar ay P10 M ang pabuya sa ulo.

“Nag-offer pa siya na magbibigay ng milyon-milyon kung sino man ang makakapagbigay ng bangka at makakapag-guide sa kanila palabas ng main battle area,” sabi ni Año.

Napuruhan si Hapilon ng tama ng bala sa dibdib habang nabaril naman ng sniper ng militar sa ulo si Omar na kapwa narekober ang bangkay sa battle zone.

Inihayag pa ni Año na hindi na gaanong banta ang nalalabing 20 fighters ng Maute-ISIS dahil karamihan sa mga ito ay sugatan na at hindi na gaanong makakilos.

Kaugnay nito, umapela naman ang opisyal sa mga evacuees na nasa 78,000 na huwag munang magmadali para makabalik sa kanilang tahanan dahil kailangan pang magsagawa ng clearing operations ang tropa ng militar sa mga nakatanim na bomba upang tiyakin ang kaligtasan ng mga sibilyan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with