^

Bansa

‘Paolo’ napanatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ng bagyong “Paolo” ang kanyang lakas habang kumikilos pahilagang bahagi ng ating bansa.

Alas-11 ng umaga, ang sentro ni Paolo ay namataan ng Pagasa sa layong 735 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras at pagbugso na 145 kph.

Si Paolo ay kumikilos hilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Si Paolo ay magdadala ng kalat kalat na katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa buong Bicol region, Eastern Visayas at Caraga at mahinang pag-ulan naman sa nalalabing bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang mga residente sa lugar na ito ay pinapayuhan ng Pagasa na maghanda at mag-ingat sa posibleng flashfloods at landslides.

Inaasahang lalabas ng PAR si Paolo sa araw ng Linggo.

Samantala, patuloy namang binabantayan ng Pagasa ang isa pang low pressure area (LPA) na nasa layong 280 kilometro kanluran ng  Puerto Princesa City, Palawan. Ito ay magdadala ng mga paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa buong Palawan area. 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with