^

Bansa

Marawi siege ‘di na mauulit - Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Marawi siege �di na mauulit - Digong

“Ang pangako ko kay Allah, hindi na ito mauulit. I will never, never, never again papayag ako na mag-ipon ng armas tapos gawin ng…Hindi na mangyayari yan,” giit pa ni Pa­ngulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga sundalo at Maranao ng bumisita sa ika-7 pagkakataon sa Marawi City kamakalawa. File

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Duterte na hindi na mauulit ang nangyari sa Marawi City matapos niyang ideklarang ‘liberated from terrorists’ ang lungsod kasunod ng pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa pakikipaglaban sa mga sundalo.

“Ang pangako ko kay Allah, hindi na ito mauulit. I will never, never, never again papayag ako na mag-ipon ng armas tapos gawin ng…Hindi na mangyayari yan,” giit pa ni Pa­ngulong Duterte sa kanyang mensahe sa mga sundalo at Maranao ng bumisita sa ika-7 pagkakataon sa Marawi City kamakalawa.

Nanguna ang Pangulo sa pag-awit ng national anthem habang itinataas ang watawat ng Pilipinas kasunod ng pagdedeklara niyang malaya na ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.

“Wag na natin itong ulitin kailanman. Sa panahon ko, hindi ako papayag. Government must have access dito sa loob,” dagdag ni Duterte.

Magtatayo ng military camp ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Marawi City upang masi­guro na hindi na mauulit ang nangyaring ito na nakapag-ipon ng armas at bala ang mga terorista sa kanilang planong terorismo.

Magugunita na nilusob ng Maute-ISIS group ang Marawi City noong Mayo 23 habang nasa official visit sa Russia ang Pangulo hanggang sa magdeklara ito ng Martial Law sa buong Mindanao.

Samantala, tuloy ang pangako ni Pangulong Duterte na Hongkong trip para sa mga sundalong babae na nakipagbakbakan sa Maute-ISIS group sa Marawi City, ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar.

Sinabi ni Sec. Andanar kahapon, sagot ng Cebu Pacific ang eroplanong sasakyan ng mga babaeng sundalo patungong Hongkong sa kanilang pagbabakasyon habang sagot naman ni Pangulong Duterte ang kanilang pocket money at hotel accommodations.

“So iyong eroplano, sagot ng Cebu Pacific. Iyong hotel at saka allowance, sagot ni Presidente. Tapos iyong mga lalake, iba iyong pangako sa kanila,” paliwanag pa ni Andanar.

Kasama si Andanar ni Pangulong Duterte nang magtungo kamakalawa sa Marawi City kung saan ay idineklara ng chief executive na ‘liberated from terrorists’ ang lungsod matapos mapatay ng mga sundalo sina Hapilon at Maute.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with