^

Bansa

AFP sa natitirang Maute: Sumuko o mamatay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AFP sa natitirang Maute: Sumuko o mamatay!

Ito’y matapos ideklara na kamakalawa ni Pangulong Duterte na malaya na sa terorismo ang lungsod ng Marawi matapos mapatay ang dalawang lider nitong sina Isnilon Hapilon at Omar Maute. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Binigyan ng ultimatum kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang mga nalalabi pang Maute-ISIS  sa battle zone sa Marawi City na magsilabas sa kanilang mga lungga kung nais pang mabuhay.

Ito’y matapos ideklara na kamakalawa ni Pangulong Duterte na malaya na sa terorismo ang lungsod ng Marawi matapos mapatay ang dalawang lider nitong sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

“We will make sure that we will get the remaining Maute-ISIS here…the only way to get out alive is to surrender,” ani Año na sinabing napapalibutan na ng tropang militar ang nalalabi pang 20 terorista.

Ayon kay Año, nakapokus rin ang kanilang operasyon upang iligtas ang tinatayang 18-20 pang hostages na hawak ng Maute.

“There are still stragglers left who are now the subjects for manhunt, and there are also hostages we need to rescue. I believe that they (hostages) are somewhere there in the buildings but afraid to go out but I can say that the danger or the risk is not that high,” anang Chief of Staff.

“These stragglers are on the run for survival but we will not stop until we get all the remaining stragglers,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, ang Maute-ISIS ay pinamumunuan ng Malaysian ISIS na si Dr. Ahmad Mahmoud, kasama ang pito pang foreign fighters at nalalabi pang miyembro ng mga Maute. Si Mahmoud ang sinasabing namumuno sa patuloy na bakbakan sa lugar.

Samantalang  pinalilibutan na ng tropa ng militar ang isang hektaryang lugar na pinagtataguan ng mga terorista malapit sa pier na kanugnog ng Lanao Lake.

Sinabi naman ni Año na higit na naging mabilis ang liberation ng Marawi City sa mga teroristang ISIS at mga kaalyado nitong Maute sa lungsod na naisakatuparan ng mga sundalo sa loob ng 148 araw kumpara sa Mosul at Raqqa, na pawang sa Iraq na tumagal ng tatlong taon. Ang Raqqa ay napalaya sa ISIS nito lamang Martes.

Sa rekord ng militar simula May 23 o sa loob ng 148 araw ay umaabot sa 847 ang mga napaslang na Maute, 47 sibilyan at 162 government forces.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with