^

Bansa

Aegis Juris ‘president’ cited in contempt ng Senado

Pilipino Star Ngayon
Aegis Juris �president� cited in contempt ng Senado

Si Balag ang pinaniniwalaang Grand Praefectus ng Aegis Juris Fraternity. Senate PRIB/Romeo Bugante

MANILA, Philippines – Nairita ang mga senador sa isang miyembro ng Aegis Juris Fraternity dahil sa pagtangging sumagot sa kanilang katanungan.

Napagdesisyunan ni Sen. Grace Poe sa muling pagdinig ng Senado na i-cite in contempt si Arvin Balag isa sa mga suspek sa pagpatay kay Horacio "Atio" Castillo III.

Nagmatigas si Balag sa hindi pagkumpirma sa mga senador kung siya ang kasalukuyang pinuno ng fraternity na nagsagawa ng initiation kay Castillo.

“I’m not asking if you performed hazing...Ikaw ay miyembro ng Aegis Juris, hindi ba? Siguro naman malinaw ‘yan dahil nandito ka ngayon o nagmamatigas ka na ngayon sa sinabi mong ‘code of silence’ dun sa iyong messages?” wika ni Poe kay Balag.

Ilang ulit na iginiit ni Balag ang kaniyang right against self-incrimination.

Sa kumalat na usapan ng fraternity members sa Facebook messenger, sinabi ni Balag na mag “code of silence” muna ang lahat kasunod ng pagkasawi ni Castillo.

Si Balag ang pinaniniwalaang Grand Praefectus ng Aegis Juris base na rin sa nilagdaan niyang organization sheet na ipinasa nila sa Office for Student Affairs’ ng University of Santo Tomas.

“Being a member of a fraternity does not necessarily admit guilt...kasi bata ka pa at ayaw ko namang makulong ka sa kung saan man. Pick your battles. Mahaba-haba pa itong laban na ito,” sabi ni Poe.

Pinayuhan ni Sen. Panfilo Lacson si Balag na kumpirmahin na lamang kung siya nga ang presidente ng fraternity.

"Be careful of irking the members of the committee," sabi ni Lacson. "Why would it incriminate you if you were only affirming what is on record?"

Ilang beses pang binigyan ng pagkakataon ng mga senador si Balag na sumagot ngunit nagmatigas pa rin ang suspek.

“Ang fraternity ninyo may motto pa na ‘do no injustice, suffer no injustice.' You’re doing an injustice to your fellow schoolmate, fratmate, brother by not answering these questions. Nandito na nga yung magulang. Siguro naman kayo ay may pamilya rin. Ayaw na namin itong contempt na ito, ayaw na naming mag-detain. Sagutin mo na yung simpleng tanong. Pero kung ayaw mo, ikaw na ang pumili ng kahihinatnan mo ngayon,”

Hindi pa naman tiyak kung saan ikukulong si Balag ngunit nabanggit ni Lacson na maaaring sa Pasay City Jail dahil naka-recess ang Kongreso at sa Nobyembre pa babalik.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with