Duterte sa transport strike: Rebelyon yan!
MANILA, Philippines – Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga jeepney operators at drivers na nagsagawa ng transportation strike.
Sinabi ni Duterte na rebelyon ang ginawang dalawang araw na kilos protesta ng mga operators at drivers na inaalmahan ang modernization program ng gobyerno.
“Itong Karapatan, itong KMU, itong Piston, they are just the legal fronts of the Communist Party of the Philippines... It's a one big conspiracy but they are at the same time—all of them—are committing right now rebellion. Tulungan lang yan sila,” pahayag ni Duterte.
“It's a one big conspiracy, mayroon sila, kita mo yung Piston may star pa ng... that's the logo of the communists. Wala na akong nakita dyan sa Russia pati sa China, itong mga buang nalang na ito,” dagdag niya.
Dahil sa protesta ay dalawang araw ding sinuspinde ang klase at trabaho sa gobyerno.
- Latest