PCG todo bantay vs pagtakas ng terorista
MANILA, Philippines — Hindi pakakampante ang puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) at mananatiling naka-alerto sa kanilang ginagawang pagbabantay sa mga pantalan dahil sa posibilidad na pagtakas ng mga terorista sa Mindanao kasunod ng paghina ng puwersa ng Maute/ISIS inspired terrorists sa Marawi City.
Ayon kay PCG Spokesman Captain Armand Balilo, ang nasabing kautusan ay kasunod ng pagkakapatay kina Abu Sayyaf leader at Emir ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa South East Asia na si Isnilon Hapilon at Maute terrorists leader Omar Maute. Magpapatuloy ang mahigpit na inspeksyon sa lahat ng lalabas at papasok na sasakyang pandagat sa lahat ng pier sa Mindanao partikular na sa Northern Mindanao, Zamboanga, Ozamis, Bungao, Iligan, Cagayan at Dapitan. Ito aniya ay para matiyak na hindi malulusutan ang puwersa ng pamahalaan ng mga terorista.
- Latest