^

Bansa

Gov’t dapat may contingency plan tuwing may transport strike

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para hindi madamay ang ekonomiya at ma-hostage ang gobyerno, dapat na maglatag agad ng contingency plan ang pamahalaan bilang tugon sa tuwing may ikinakasang jeepney strike ang mga transport group.

Sinabi ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, na hindi magandang tingnan na parang walang magawa ang gobyerno sa strike bagamat kapuri-puri na iniisip ng Malacañang ang kapakanan ng mga estudyante at mga empleyado sa pagsuspinde ng klase at pasok sa trabaho.

Giit ni Evardone na napapakita rin ito sa publiko ng maling sensyales na bukod sa suspension ay wala ng iba pang kayang gawin ang gobyerno para tugunan o maibsan ang epekto ng transport strike.

Paliwanag pa ng mambabatas na hindi lang naman pag-aaral ng mga estudyante at serbisyo ng gobyerno ang naapektuhan kundi maging ang financial services at stock market.

Hindi rin umano tamang hostage ang gobyerno sa ganitong sitwasyon at nadadamay pa ang ekonomiya dahil lamang sa strike ng ilang grupo ng transportasyon.

Hindi naman umano sinusuportahan ng iba pang organisadong sector tulad ng manggagawa at mga estudyante ang nasabing strike subalit kung magkagayun man ay magiging mas malaking problema pa ito ng gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with