^

Bansa

AFP umalerto vs resbak ng BIFF, ASG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inalerto na kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang tropa ng militar partikular na sa mga urban centers sa Mindanao kaugnay ng posibleng resbak ng mga sympathizers at mga kaal­yadong grupo ng Maute-ISIS na hindi malayong maglunsad ng terorismo.

Ang direktiba ni Año ay kasunod ng pagkakapatay kina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

“Yung ating mga kasundaluhan at mga kapulisan sa buong bansa ay naka-heightened alert, nakahanda tayo at hindi natin papayagan na may mangyaring ganyan (terror attack),” anang AFP chief.

Sinabi ni Año na nais niyang manatili pa ang martial law na umiiral sa buong rehiyon ng Minda­nao dahil kailangan ito para malipol ang Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na pawang mga kaalyado ng Maute-ISIS.

Gayundin ang natitirang Maute na nasa battle zone sa Marawi City.

“Kailangan pa natin yung special provisions ng martial law para tapusin ang BIFF sa Central Mindanao; Abu Sayyaf sa Sulu at Basilan,” sabi ni Año.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with