Posisyon ng Ombudsman pinadedeklarang bakante sa SC
MANILA, Philippines — Pinadedeklarang bakante sa Korte Suprema ni dating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol III ang posisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Sa petisyong inihain sa Korte Suprema, iginiit ni Vitangcol na nagtapos na noong November 30, 2012 ang termino ni Morales dahil dapat ay kinumpleto lamang nito ang natitira pang termino ng nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierez noong May 6, 2011.
Hiniling din ni Vitangcol na ideklarang walang bisa o null and void ang lahat ng kautusan ni Morales mula Dec. 1, 2012 hanggang sa kasalukuyan.
Nais rin ni Vitangcol na ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang section 8 ng Republic Act 6770 o ang Ombudsman Act of 1989 dahil kumokontra sa intensyon ng batas na nagsasabing dapat kumpletuhin lamang ng isang bagong appointee ang unexpired term ng Ombudsman.
Tiniyak ng section 8 ng Ombudsman Act ang pitong taong termino para sa Ombudsman at Deputy Ombudsman.
- Latest