^

Bansa

Anti-poverty ni Leni wagi

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
 Anti-poverty ni Leni wagi

Ang programang Angat Buhay ay sinimulan ni VP Leni at ng kaniyang opisina noong Oktubre 2016, sa paglalayong maabot ang pinakamahihirap at pinakamalalayong komunidad sa bansa, sa pakiki­pagtulungan ng pribadong sektor at ibang ahensya ng pamahalaan. File

83K pamilya nabiyayaan

MANILA, Philippines — Mahigit 83,000 pamil­ya ang natulungan ng tanggapan ni Vice Pres. Leni Robredo sa unang taon ng programang inilunsad nila laban sa kahirapan.

Ang programang Angat Buhay ay sinimulan ni VP Leni at ng kaniyang opisina noong Oktubre 2016, sa paglalayong maabot ang pinakamahihirap at pinakamalalayong komunidad sa bansa, sa pakiki­pagtulungan ng pribadong sektor at ibang ahensya ng pamahalaan. 

Sa ilalim nito ay tumutugon ang Office of the Vice President sa mga pangangailangang konektado sa anim nitong adbokasiya—food security and nutrition, women empowerment, rural development, education, universal healthcare, at housing.

Sa paggunita ng unang taon nito, 83,707 pamil­ya na ang natulungan ng Angat Buhay sa 153 na pamayanan bunga ng masigasig na pag-iikot ni VP Leni na maabot ang mga tinatawag na nasa laylayan ng lipunan. 

Sa tulong ng mga kaakibat na organisasyon at kumpanya, na karamihan ay mula sa pribadong sektor, nakapagpatupad na ang Angat Buhay ng mga proyektong umaabot sa halagang P145 milyon.

Kasama na rito ang P33.5-million assets at tulong-pangkabuhayan sa 7,691 magsasaka, mangingisda, at indigent families; P8.5-milyon para sa feeding and nutrition programs, na nakaabot ng 2,345 batang malnourished at sa mga nanay na nagpapasuso; P1.45-milyong food packs at multivitamins para sa 5,392 pamilya.

Nakapagbigay din ng P26.73-milyon ang OVP at mga private partners nito sa sektor ng edukasyon, persons with disabilities at pagsasagawa ng medical and dental missions.

Matapos magbitiw bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), isinama na rin ni VP Leni sa Angat Buhay ang usaping pabahay na may 735 pamilya, o 1,868 tao ang natulungan.

Nakikibahagi rin ang Angat Buhay sa disaster relief and rehabilitation efforts para sa mga naapektuhan ng sakuna at kalamidad.

Nagpaabot ng P30.43-milyong tulong ang Angat Buhay partners, samantalang P12.43 milyon ang nagmula sa opisina ni VP Leni.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with