^

Bansa

2 kelot malubha sa pananaksak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki ang kritikal sa dalawang magkasunod na insidente ng pananaksak sa lungsod ng Navotas.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:50 ng gabi nang masaksak ang 22-anyos na si Jerome Loreto, mangingisda, ng Block 9, Lot 11, Davila Street, Brgy. Navotas West, ng naturang lungsod.

Natutulog ang biktima nang gisingin ng kanyang ina dahil sa grupo ng lalaki na naghahanap sa kanyang kuya. Kinompronta ni Loreto ang nasa pitong kalalakihan na humahanting sa kanyang kapatid ngunit siya ang pinagbalingan ng mga ito at dalawang beses siyang sinaksak sa katawan.

Agad na nagsitakas ang mga salarin makaraan ang pananaksak habang naisugod naman sa Navotas General Hospital si Loreto.

Kasunod nito, nasaksak naman ang 22-anyos na si John Mark Cabales ng hindi nakilalang salarin. Mag-isang naglalakad sa may Cite 8, Brgy. North Bay Boulevard South ang biktima nang atakihin ng salarin at tarakan siya ng patalim sa ulo.

Agad namang natuklasan ng residente ang pananaksak kaya mabilis siyang nasaklolohan at naisugod sa Tondo Medical Center kung saan isinailalim siya sa operasyon.

Samantala, dahil lamang sa walang kwentang iringan, sinaksak ang isang Chinese national ng kanyang kapwa Intsik kamaka­lawa sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City kamakalawa.

Sanhi ng sugat sa leeg, ginagamot ngayon sa Asian Hospital ang biktimang si  Shao Jian Aoquan, nasa hustong gulang.

Nakakulong naman sa Muntinlupa City Police detention cell ang suspek na si Liao Zhi Wei, may sapat na gulang.

Sinampahan na ng Muntinlupa City Police ng kasong Attempted Homicide ang naturang dayuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with