^

Bansa

DTI kinalampag sa mahinang kalidad ng bakal at semento

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinalampag kahapon ng grupo ng mga consu­mers ang Department of Trade and Industry (DTI) sa umano’y talamak na pagpasok sa bansa ng mga substandard na bakal at semento.

Ayon kay United Filipino Consumers and Commuters at Federation of Philippine Industries (FPI) Chairman Jesus Arranza, patuoy silang nakatatanggap ng reklamo hinggil sa pagpasok sa bansa ng mga substandard na bakal at semento.

Ibinunyag din ng dalawang grupo, na nagkalat na umano ngayon sa ibat’-ibang bahagi ng bansa ang tatlong daang libong expired na bags ng semento.

Kanila ring natuklasan na 50 na hardware stores sa Pangasinan at La Union ang nagtitinda ng substandard na bakal at construction at electrical products.

Mahigpit din na tinututulan ng FPI at UFCC ang pre-shipment testing sa abroad ng mga bakal at semento.

Sa halip, dapat aniyang ipatupad ng DTI ang pagsusuri sa bansa ng mga imported na bakal at semento bago ito ilabas sa mga hardware stores sa Pilipinas, sa halip na gawin ito sa abroad.

Nababahala ang dalawang grupo sa ganitong sistema lalo na’t mataas aniya ang demand ngayon ng semento at bakal sa bansa dahil sa paglago ng sektor ng konstruksyon.

Matatandaan, na pinalagan din ng ilang local distributor ng semento ang umano’y sabwatan sa pagitan ng tanggapan nina DTI Undersecretary Teodoro Pascua at Ernesto Ordonez, pangulo ng  Cement Manufacturers Association of the Phi­lippines (CeMAP) hinggil sa pagpapalabas ng department order na may kaugnayan  sa naturang produkto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with