^

Bansa

PNP isinalba ang bansa sa pagiging ‘zombie country’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinalba umano ng Philippine National Police (PNP) ang bansa mula sa maaaring pagiging isang ‘zombie country’ kung hindi umano nagtrabaho sa pinaigting na giyera kontra droga ang mga operatiba ng pulisya, ayon kay PNP Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa.

Sinabi ni dela Rosa na sa loob ng 1 taon at limang buwang anti-drug war operations ay masasabi niyang sa kasaysayan ng PNP ay nagtrabaho nang puspusan ang PNP operatives, at hindi nagbulag-bulagan sa problema ng droga sa mga komunidad.

“We hit the problem.  Hindi kami natakot kahit sino binabangga natin dahil nga ever since make or break tayo dito sa problema sa droga kasi kung hindi natin ito binangga baka naging zombie nation itong Pilipinas”, ani dela Rosa.

Samantala, muli namang sinabi ni dela Rosa na nanghihinayang sila sa mga naging accomplishments sa droga ngayong tinanggalan na sila ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa drug war at inatasan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na manguna sa operasyon.

Ayon sa PNP Chief sa ilalim ng drug war ay nasa 1.3 M drug personalities ang sumurender habang 3,000-4,000 ang nasawi matapos na manlaban sa lehitimong operasyon na inilunsad ng pulisya. Dito’y hindi kabilang ang mahigit 9,000 kaso ng mga iniimbestigahan na karamihan ay mga drug personalities na itinumba ng umano’y mga sindikato ng droga at ng mga vigilantes.

Sinabi naman ni dela Rosa na kapag lumala muli ang situwasyon sa droga at hindi ito kinaya ng Philippine Drug Enforcement Agency ay muli niyang hihilingin kay Pangulong Duterte na ibalik ang PNP sa drug war.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with