^

Bansa

Riding in tandem, dudurugin ni Bato

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Ronald “Bato“ dela Rosa na dudurugin ng mga operatiba ng pulisya ang riding in tandem na mga kriminal sa bansa.

“Now na wala na kami sa war on drugs bantay kayo mga riding in tandem. Upakan namin kayo, ubusin namin kayo, tingnan natin. Hahanapin namin kayong mga riding in tandem,” mariing babala kahapon ni Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na nakipagsabayan pa at sinamantala ng riding in tandem na mga kriminal ang drug war ng PNP sa illegal ng mga itong aktibidades at ngayong wala na sila sa operasyon kontra droga ay matututukan na nila at ma­lilipol ang mga ito.

 Ibinulgar ni Dela Rosa na ang mga natukoy na ninja cops umano o ang mga pulis na sangkot sa droga ang nagmimintine sa mga riding in tandem na mga kriminal.

 Sinabi ni Dela Rosa na pangalawa sa droga sa mga problema sa kriminalidad ay ang riding in tandem kaya dapat ang mga itong malipol.

 “Yung mga riding in tandem na mga hitman na tumitira para lalong pasamain ang liderato ng PNP dahil galit nga sila dahil minamalas sa amin ngayon so sila ngayon ang merong hawak”, giit pa ni Dela Rosa.

 Nabatid na partikular na nag-ooperate ang mga riding in tandem sa Metro Manila na sangkot sa serye ng kriminalidad at isa sa matinding sakit ng ulo ng PNP. Ayon pa kay dela Rosa maging ang mga vigilantes na sumira sa kanilang drug war ay mga riding in tandem.

 “Etong mga riding in tandem criminals sumasabay ito, may atraso sila sa akin, ginulo kami sa aming kampanya,” ani Dela Rosa.

Samantalang una nang inirekomenda ng PNP-Highway Patrol Group ang paggamit ng mga half face helmet upang matugunan ang problema sa riding in tandem.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with