^

Bansa

‘Impeach Bautista’ ‘di uusad sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagsusulong sa Mababang Kapulu­ngan ng Kongreso sa impeachment proceedings laban kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista, inihayag ng Senado na hindi na nila itutuloy ang impeachment trial sa sandaling maipasa na ng Malacañang ang resignation letter ng Comelec chief na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Majority Floor Leader Vicente “Tito”Sotto III, pag-aaksaya lamang ng pera ng taumbayan kung maghahanda pa at itutuloy ang trial gayong nagbitiw na si Bautista sa puwesto bagaman at sa Disyembre 31 pa siya aalis sa Comelec.

Kailangan lamang aniyang matanggap ang opisyal na transmisyon ng sulat ni Bautista sa Pangulo upang hindi na ituloy ang trial.

Ipinaliwanag ni Sotto na ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng impeachment trial ay upang mapaalis ang isang impeachable official sa puwesto.

“Ang dahilan ng pag-iimpeach ay para alisin siya sa puwesto eh kung umalis na siya sa puwesto tinanggap ng presidente, ‘di na kailangan ng impeachment,” paliwanag ni Sotto.

Nauna rito, inihayag ni Duterte na nilagdaan na niya ang resignation letter ni Bautista at nagtataka siya kung bakit itinuloy pa ng Kamara na magbotohan para sa pagsusulong ng impeachment trial gayong nagbitiw na ang nasbaing opisyal sa puwesto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with