^

Bansa

Digong noon pa lumagda sa bank waiver - Panelo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong noon pa lumagda sa bank waiver - Panelo

Iginiit kahapon ng legal adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumagda na ito sa isang bank waiver noon upang patunayan na walang katotohanan ang multi-bilyong bank account nito. AP/Aaron Favila, File

MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng legal adviser ni Pangulong Duterte na lumagda na ito sa isang bank waiver noon upang patunayan na walang katotohanan ang multi-bilyong bank account nito.

“Matagal nang sinasabi ni [Senator Antonio] Trillanes ‘yan eh, nag-execute nang waiver si Presidente noong Mayo pa of last year at napatunayan doon sabi ng BPI (Bank of the Philippine Islands), ng bangko na wala siyang ganung pera labinglimang libo lang ang pera niya at that time,” sabi ni Presidential legal adviser Salvador Panelo kahapon.

“Pangalawa, alam niyo si Presidente abogado, ang abogado kasi ‘pag tumingin ka sa batas, sinusunod mo yung prinsipyo, sinasabi sa batas kung sino yung nag-aakusa, siya ang dapat mag-apruba, he has to prove, lahat sila magpruweba hindi pupwede yung mag-aakusa sila pagkatapos kukuha sila ng ebidensiya doon mismo sa inaakusa nila, hindi naman pu­pwede ‘yon,” dagdag pa ni Pa­nelo.

Ginawa ni Panelo ang paglilinaw matapos mag­lunsad ng signature campaign ang grupong Tindig Pilipinas upang hilingin kay Duterte na lumagda ito sa isang bank waiver.

“We, the Filipino people, call on President Duterte to sign the waiver on the secrecy of bank deposits. We deserve a transparent and accountable leader,” nakasaad sa petisyon ng Tindig Pilipinas.

Ani Panelo, hanggang ngayon ay valid pa rin ang nilagdaang special po­wer of attorney ni Duterte noong kampanya ng 2016.

“Meron na nga siyang waiver na valid and binding pa nga yung kanyang waiver. Kung ako yung pumirma nung waiver, pwede pa rin ‘yon. Nangungulit lang sila, wala na kasing issue,” giit pa ng presidential legal adviser.

“Alam mo, gaya nung rating niya, 80 porsyento pa rin, ang naging pagbagsak lang ng sinasabing satisfaction rating ay ‘yun ay ang sentimiyento ng tao dahil sa pagkapaslang sa tatlong teenagers. More on against the PNP yon rather than the President,” sabi pa ni Panelo na tinutukoy ang 80% approval at trust rating ng Pangulo sa Pulse Asia survey.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with