PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P900M pondo ng PNP vs droga aalisin ng Senado

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, napag-usapan na nila ni Sen. Loren Legarda, chairman ng Senate committee on finance ang tungkol sa paglilipat sa ibang ahensiya ng nasabing pondo dahil hindi na naman ito kakailanganin ng PNP. Senate PRIB/File

MANILA, Philippines — Malaki ang posibilidad na tanggalin ng Senado sa panukalang budget ng Philippine National Police para sa 2018 ang P900 milyon pondo para sa kampan­ya laban sa iligal na droga matapos ipasa ni Pangulong Duterte sa Philip­pine Drug Enforcement Agency ang nasabing trabaho.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, napag-usapan na nila ni Sen. Loren Legarda, chairman ng Senate committee on finance ang tungkol sa paglilipat sa ibang ahensiya ng nasabing pondo dahil hindi na naman ito kakailanganin ng PNP.

Sinabi ni Pimentel na may pagkakataon pa naman para tanggalin ang nasabing pondo at ilipat sa PDEA ang ilang bahagi nito kung kinakailangan dahil mayroon pa silang isang buwan para magsagawa ng pag-ami­yenda sa pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sa ngayon ay mas prayoridad nila ang pondo para sa housing at social services dahil ito ang mas kaila­ngan ng mga mamamayan.

Nauna rito, naglaan ng P900 milyon sa panukalang budget ng PNP na gagamitin sana sa Oplan Double Barrel, Reloaded upang mas mapaigting sana ng pulis­ya ang kampanya laban sa droga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: