PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tokhang ng PNP itinigil na

Ipinatigil na ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang kasunod ng utos ni Pa­ngulong Duterte na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mangunguna sa drug war campaign ng gobyerno. Edd Gumban/File

MANILA, Philippines — Ipinatigil na ng Philippine National Police (PNP) ang Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang kasunod ng utos ni Pa­ngulong Duterte na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mangunguna sa drug war campaign ng gobyerno. 

Sinabi ni PNP Deputy Directorate for Operations Chief P/Director Camilo Pancratius Cascolan na bawal mag-operate ang mga pulis sa anti-drug operations at sinumang susuway ay may kaukulang parusa.

“In this regard, everybody is directed to adhere to the Presidential Directive, effective immediately, violators shall be dealt accordingly,” ani Cascolan sa ibinabang memo na ipinakalat na sa mga himpilan ng pulisya sa buong bansa.

Ayon naman kay PNP Chief P/Director Gen. Ronald dela Rosa, magpapatuloy ang intelligence operations at monitoring ng PNP laban sa mga sindikato ng droga at anumang makukuha nilang impormasyon ay ipapasa sa PDEA.

Aminado naman si dela Rosa na nanghihinayang siya sa patuloy na tagumpay ng giyera kontra droga na nahinto pero nangyari na at ta­talima sila sa direktiba ng commander-in-chief.

Inihayag naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Dionardo Carlos na magpo-pokus na lamang ang PNP operatives sa pagpapababa ng kriminalidad, Internal Security Operations (ISO) at counter terrorism.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nilinaw rin ni Carlos na susuporta pa rin ang PNP sa mga operasyon ng PDEA at tanggap nilang hindi na sila ang frontliner sa operasyon.

Sakali namang maaktuhan ng mga operatiba ng pulisya ang abutan ng droga o bentahan ng mga drug pushers at kanilang mga adik na kliyente ay maari pa rin ang mga itong arestuhin ng mga pulis at iti-turnover ang mga ito sa PDEA.

“Kung ang situation it warrants warrantless arrest, we can take effect the arrest immediately. Kung the crime is being committed in our presence and we have personal knowledge that a crime is being committed or is about to be committed we will effect the arrest,” paliwanag naman ni Supt. Vimelee Madrid, deputy spokesman ng PNP.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: