PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Digong sa EU ambassadors ‘Magsilayas kayo!’

Hinamon kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ambassador ng European Union (EU) sa Pilipinas na lumayas sa bansa sa loob ng 24 oras. AP Photo/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Hinamon kahapon ni Pangulong Duterte ang mga ambassador ng European Union (EU) sa Pilipinas na lumayas sa bansa sa loob ng 24 oras.

”EU ambassadors who are watching right now, you can leave tomorrow! Do not come to this country again, we do not need you,” galit na pahayag ng Pa­ngulo sa relaunching ng Press Briefing Room ng Malacañang.

Ayon sa Pangulo, inutusan na niya si Finance Sec. Sonny Dominguez na huwag nang tanggapin ang donasyon na magmumula sa Great Britain.

Una rito, nagbanta ang international human rights group at grupo ng international parliamentarians at civil society na mahaharap ang Pilipinas sa sanctions ng UN at EU kapag nabigo ang Pilipinas na mapatigil ang extra judicial killings sa bansa sa gitna ng drug war ng Duterte government.

“You are interfering on our affairs, kasi mahirap lang kami. Don’t f*ck with us, we ASEAN members can export to each other,” paliwanag pa ng Pangulo.

Nagbanta pa ang Human Rights Watch group na posibleng mawala bilang miyembro ng UN Human Rights Council ang Pilipinas kapag hindi natigil ang EJK sa Pilipinas kaugnay ng anti-illegal drug operations ni Pangulong Duterte.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“We will not allow anybody, not even the US, to dictate us. You have to kill me or get out of my country. They want us to be expelled from UN? Do it, stupid. Do it now,” giit pa ng Pangulo.

Giit pa ni Duterte, kung sa tingin ba ng mga ito na nagbabanta sa kanya ay papayagan ng China at Russia na alisin bilang mi­yembro ng UN ang Pilipinas.

Sinabi pa ng Pangulo na nagpalabas na siya ng memorandum na ina­atasan nito ang PDEA bilang solong ahensiya na mangunguna sa anti-drug war ng gobyerno at pinagbawalan na nito ang PNP, NBI, AFP at iba pang law enforcement agencies.

“Well tingnan natin, PDEA. Maybe it will suffice for those Europeans,” dagdag pa ng Pangulo.

“Ginawa ko na lahat ng magagawa ko dito...Some of noted writers say act now. Ito na po,” patungkol ni Duterte sa pag-aatas niya sa PDEA bilang lead agency sa drug war at hindi na ang PNP.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: