PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pacquiao nais pang taasan ang buwis sa sigarilyo

MANILA, Philippines – Bukod sa dagdag kita sa ekonomiya ng bansa, nais din mapangalagaan ni Sen. Manny Pacquiao ang kalusugan ng mga Pilipino sa panukalang taasan pa ang buwis sa sigarilyo.

Sinabi ni Pacquiao na sagrado ang katawan ng tao kaya naman hindi dapat itong sirain kaya naman inihain niya ang Senate Bill 1599.

Layunin ng panukala ng senador na taasan ang excise tax ng tobacco products.

Kung tuluyan itong magiging batas, ang dating P30 na buwis kada kaha ay magiging P60 na ito. Bukod pa rito ang 9% mula sa kasalukuyang 4% increase kada taon.

Naipasa ang RA 10351 o ang Sin Tax Reform Act noong 2012 upang mapigilan ang dumaraming bilang ng mga Pilipinong naninigarilyo at nag-iinom ng alak.

Bahagi ng nakukuhang buwis ay napupunta sa pagpapatupad ng Universal Health Care.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: