PSN Bansa ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pagkamatay nina Kian, Carl, Kulot maaaring sabotahe sa Duterte admin – Acosta

MANILA, Philippines – Pinaghihinalaan ni Public Attorney's Office chief Persida Acosta ang sunud-sunod na pagkamatay ng mga teenager na sina Kian delos Santos, Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman.

Sa tingin ni Acosta tila mayroong nais manira sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy na binabatikos dahil sa madugong kampanya laban sa ilegal na droga.

"Kahit sino mag-iisip noon na bahagi ng destabilization… maging pangkaraniwang mamayang Pilipino na parang may sabotahe dito,” pahayag ni Acosta kahapon.

“Siyempre ang iisipin ng iba gustong matanggal si pangulo,” dagdag niya.

BASAHIN: Carl, Kian, Kulot ‘sinadyang’ pinatay para 'isabotahe' ang administrasyon – Duterte

Ang mga pulis-Caloocan ang itinuturong nasa likod ng pagpaslang kina delos Santos, Arnaiz at de Guzman.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nauna na ring sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang tila destabilisasyon sa administrasyon sa pagkamatay ng tatlong teenager.

Samantala, pinabulaanan naman ito ng abogado ng dalawang pulis na suspek sa pagkasawi nina Arnaiz at de Guzman.

Aniya kalokohan ang hinala ni Acosta at iginiit na lehitimong operasyon ang ginawa ng kaniyang mga kliyenteng sina PO1 Ricky Arquilita at PO1 Jeffrey Perez.

“Walang katotohana ‘yun,” pahayag ng abogadong si Albino Valenciano. “Absurbd ‘yan, kalokohan ,yan.”

Nagsimula na ang preliminary investigation kahapon sa Department of Justice kung saan nagharap-harap ang mga akusado at pamilya ng mga biktima.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: